Home ENTERTAINMENT Sen. Bong, magsasampa na ng cyber liber sa nagpakalat ng fake news!

Sen. Bong, magsasampa na ng cyber liber sa nagpakalat ng fake news!

223
0

Manila, Philippines- Sa totoo lang, isa kami sa maraming nagtaka kung bakit hindi napasama sa 12 senador na nagwagi sa mid-term election si Senator Ramon Bong Revilla.

Pang labing apat lamang si Sen. Bong.

Sa dami ng ginawang batas ni Sen. Bong na halos lahat ay napakinabangan na ng lahat ay hindi pa siya nakapasok!

Sa buong panunungkulan ni Sen. Bong sa senado ay more than 2,000 bills and resolutions ang naihain niya kumpara sa iba riyan na mabibilang mo lang sa daliri ang nagawang batas, huh!

Kami man ay nasaktan para sa nasabing working senator na nasa kanyang huling termino na sana sa senado.

Ilan lang sa mga gawa ni Sen. Bong na naisabatas na ay ang Motorcycle Helmet Act, and Salary Standardization Law, at ang huli nga ay iyung Expanded Centenarian Act na kung saan ay makakatanggap ng cash gift ang mga Pilipinong tumuntong sa edad 80, 85, 90, at 95 na dati ay 100 years old lang ang nakakatanggap ng 100 thousand pesos, huh!

Kaya nga dahil sa sobrang nasaktan ay nakatakdang sampahan ng kasong Cyber Libel ang ilang indibiduwal na nag-post ng mga paninira laban sa hindi pinalad na senador sa katatapos na local election, huh!

Ayon pa sa abogado ni Bong na si Atty, Sigfred Fortun sa mga susunod na araw daw ay pormal na silang magsasampa ng reklamong Cyber Libel sa lima o sampung katao na nagkakalat ng fake news sa social media.

“Sen. Revilla wil be filing the appropriate charges as specifically Cyber Libel against certain individuals.

“I have been told not to disclose the names of these individuals at this time, because there is a need to let them…but definitely Sen. Revilla will be coordinating with the NBI to find out the bonafides of this people.

“Kasi ang mga iba ay pseudonyms lang yung gamit. But definitely, they will be traced through the active cooperation of Facebook and other online agencies.

“And the whereabouts will be discovered and the appropriate charges will be filed,” banggit pa ng abogado ni Sen Bong Revilla. Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here