Home NATIONWIDE CHR nag-sorry sa BuCor sa pag-uugnay sa Pasay jail sa TB issue

CHR nag-sorry sa BuCor sa pag-uugnay sa Pasay jail sa TB issue

MANILA, Philippines- Humingi ng paumanhin ang Commission on Human Rights (CHR) nitong Martes sa Bureau of Corrections (BuCor) sa pag-uugnay dito sa isyu sa Pasay City Jail, na nasa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nag-ugat ang isyu sa pagkabahala ng CHR noong nakaraang buwan ukol sa 400 persons deprived of liberty (PDLs) na nakitaan umano ng mga sintomas ng tuberculosis sa Pasay facility.

“We express our sincerest apologies to the management and the entire institution of BuCor… we shall ensure the accuracy of facts in similar future statements,” pahayag ng CHR.

Ang BJMP, sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government, ang may hurisdiksyon sa district, city, at municipal jails. 

Pinangangasiwaan naman ng Bureau of Corrections, sa ilalim ng Department of Justice ang mga kulungan at penitentiaries sa bansa at may hurisdiksyon sa mga presong may sentensyang tatlong taon at higit pang pagkakakulong.

Gayundin, binanggit ng Komisyon ang paglilinaw ng BJMP na sa 392 hinihinalang kaso, 18 PDLs lamang ang nagpositibo sa tuberculosis sa “gene testing.”

“These individuals have now been isolated and are receiving the necessary medical attention. This development highlights the unwavering commitment of penology sector to address and manage health concerns within correctional facilities,” anang CHR. RNT/SA