Home NATIONWIDE 64 nawawala kasunod ng migrant shipwreck sa Mediterranean

64 nawawala kasunod ng migrant shipwreck sa Mediterranean

MANILA, Philippines- Inihayag ng Italian coast guard na pinaghahanap nila ang nawawalang migrants kasunod ng paglubog nga barko sa Mediterranean sea.

Sinabi ng U.N. Refugee agency UNHCR, International Organization for Migration (IOM) at U.N. children’s agency UNICEF na naganap ang shipwreck halos 200 km (125 miles) sa silangan ng Italian region ng Calabria, kung saan nagliyab at tumaob ang barkong naglayag mula Turkey walong araw na ang nakalilipas.

Anila, 64 indibdwal ang nawawala sa dagat, habang 11 ang dinala sa Calabrian town ng Roccella Ionica ng Italian coast guard, kasama ang bangkay ng isang babae.

Ayon sa mga ahensya at sa German aid group RESQSHIP, 11 migrants ang nasawi sa ikalawang shipwreck.

Base sa RESQSHIP, nangangasiwa sa Nadir rescue ship, nasagip nito ang 51 indibidwal mula sa papalubog na wooden boat, kabilang ang dalawang walang malay, at natagpuan ang 10 bangkay na na-trap sa lower deck ng vessel.

Sinabi ng RESQSHIP na nasa pangangalaga na ng Italian coast guard ang survivors, habang patungo ang Nadir sa isla ng Lampedusa, upang hilahin ang wooden boat na may mga labi ng mga nasawi. RNT/SA