Home NATIONWIDE DMW: Paghahanap sa nawawalang Pinoy seafarer tiniyak ng may-ari ng MV Tutor

DMW: Paghahanap sa nawawalang Pinoy seafarer tiniyak ng may-ari ng MV Tutor

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Martes na ang Liberian-flagged bulk carrier MV Tutor ay malapit nang magsasagawa ng search operation  para sa nawawalang Filipino crerw member.

Sa isang abiso, sinabi ng DMW na nakipagpulong na ang Philippine Embassy sa Athens, Greece kasama ang principal ng MV Tutor.

“Search operations for our missing seafarer shall be undertaken as soon as the ship is taken to a safe port,” pahayag ng DMW.

“Meanwhile, we remain hopeful and are in touch with the family of the seafarer.”

Ang pahayag ng DMW ay bilang tugon sa ulat ng White House na nagsasabing napatay ang Filipino seafarer nang atakihin ng Houthi rebels ang MV Tutor noong Hunyo 12.

Nauna na ring sinabi ni Migrant Workers Secretary hans Leo Cacdac na ang MV tutor ay may sakay na 22 Filipino crew.

Sa bilang na ito, 21 lamang ang ligtas na nakabalik ng Pilipinas nitong Lunes.

Ang mga marino ay nasagip matapos silang saklolohan ng US Navy Ship.

Sa isang press briefing nitong Lunes, nilinaw ni Cacdac na maaga pa upang sabihing patay na ang nawawalang marino.

“We have to be precise about this. He is missing ,he has not been found, and he has to be searched before we can make conclusions kung ano ang nangyari sa kanya. He has to be found, searched and found,” giit ni Cacdac. Jocelyn Tabangcura-Domenden