Manila, Philippines – Inuurutan ng mga solid KimPau si Kim Chiu na palitan na ang kanyang apelyido para hindi na ito ma-mispronounce sa tuwing ipapakilala. Ito ay para hindi na rin masulat ng mali ang spelling ng kanyang pangalan.
Tumugon si Kim sa tanong ng isang faney sa X post nito kung ano ang masasabi nya dahil madalas na mali ang spelling at pag-pronounce ng kanyang apelyido.
Humirit pa ito na palitan na lang nya ang kanyang apelyido.
Sa newsfeed ng entertainment portal ng TFC News, mababasa na “Chu” ang nakatitulo sa article kaugnay sa success ng Dubai show ng KimPau.
Ni-repost ito ng nasabing fan sa kanyang X post. Sey pa ni @angelkuno, “Ano’ng feeling na laging mali spelling ng surname mo? @princesschinita chu, chui..etc. etc. Palitan mo na lang kasi ng Avelino, it’s never wrong hehehe.”
Sumakay naman dito si Kim, dahil sa kilig marahil nito, nang mabasa ang suhestyon ng fan.
Pero hindi ito nagpahalata at nag-sentro sa reaksyon sa kanyang surname.
Ani pa ni Kim, “Hahahaha. Basta nababasa basa sa naaayon. Ako parin yan! Tanong natin sa tatay ko, Iba iba ata sila e. Hahahaha. Chiu, Chui, Chu! Hihihi.”
Sinawsawan naman ito ng ibang solids at sinabing gawing “Kimberly Avelino”, “Kim Chiu Avelino”, “Kim Avelino”.
Halos mangisay naman sa kilig ang mga netizen sa ilusyon na magkakatuluyan ang dalawa. Sinusulat ang item na ito na wala nang reaksyon pa si Kim at kahit naka-tag si Paulo, wapakels ito sa request ng fans. Rommel Placente