Home METRO CHR nagsimula ng imbestigasyon sa Negros clash

CHR nagsimula ng imbestigasyon sa Negros clash

74
0

MANILA, Philippines – Naglunsad ng independent investigation ang Commission on Human Rights (CHR) sa armadong engkuwentro noong Abril 19 sa Negros Occidental na ikinasawi ng 19 katao.

Kabilang sa mga nasawi sina UP Diliman student leader Alyssa Alano at community journalist na si RJ Ledesma.

Ayon sa CHR, may magkakaibang ulat tungkol sa pagkakakilanlan ng mga biktima kaya kailangan itong masusing beripikahin.

“While the Armed Forces of the Philippines (AFP) maintains that the casualties were members of an armed group, other organizations assert that some victims, including Alano and Ledesma, were civilians engaged in community work,” pahayag ng komisyon.

Iginiit ng CHR na ang pagtukoy sa status at pangyayari ay dapat nakabatay sa beripikadong datos at due process. Dagdag nito, “In case of doubt, persons shall be presumed civilians.”

Binigyang-diin din ng CHR ang pagsunod sa International Humanitarian Law (IHL), kabilang ang pagtiyak na may malinaw na pagkakaiba ang combatants at sibilyan at pagbabawal sa indiscriminate attacks.

“Allegation of unlawful killing or violation of IHL and human rights law require prompt, effective, impartial, and independent investigation, and accountability where violation is established,” ayon pa sa CHR.

Nagpahayag din ng pag-aalala ang komisyon sa ulat na mahigit 100 pamilya ang lumikas dahil sa insidente. Hinikayat nito ang mga awtoridad na magbigay ng sapat na tulong, maiwasan ang karagdagang displacement, at matiyak ang access sa mga pangunahing serbisyo.

Nanawagan ang CHR sa lahat ng panig na makipagtulungan sa imbestigasyon at sumunod sa human rights at IHL.

“This incident underscores the continuing human cost of armed conflict, particularly in marginalized communities such as those in Negros,” saad ng komisyon.

Dagdag pa nito, mahalaga ang pagtugon sa kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay, at usapin sa lupa upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here