Home HOME BANNER STORY Easterlies magdadala ng ulan sa ilang bahagi ng bansa

Easterlies magdadala ng ulan sa ilang bahagi ng bansa

70
0

MANILA, Philippines – Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan at pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa dahil sa easterlies na nakaaapekto sa Central at Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sa 4 a.m. forecast, sinabi ng PAGASA na ang Sorsogon, Northern Samar, Eastern Samar, Southern Leyte, Dinagat Islands, at Surigao del Norte ay magkakaroon ng maulap na panahon na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms.

Magdudulot din ang easterlies ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng flash floods o landslides dulot ng katamtaman hanggang malakas na ulan o matitinding thunderstorms.

Wala namang binabantayang low pressure area (LPA) na maaaring maging bagyo sa ngayon.

Samantala, inaasahan ang mahina hanggang katamtamang hangin at bahagya hanggang katamtamang alon sa buong bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here