MANILA, Philippines – Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga awtoridad na proteksyunan ang mga witness na nagbunyag na ang mga nawawalang sabungero ay inilibing sa Taal Lake sa Batangas.
Kasabay nito ay nangako ang CHR na patuloy nitong iimbestigahan ang kaso at nanawagan ng “urgent and coordinated action” sa mga bagong testimonya kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero noong 2021.
“The emergence of a suspect in this crime, and his willingness to reveal what he knows, is a welcome development,” pahayag ni CHR Commissioner at spokesperson Beda Epres.
“This is also a call to all government agencies to work together if possible—CHR, Department of Justice, Philippine Navy, Philippine Coast Guard—so that once and for all, this case can be brought to an end and we can achieve the justice we have long desired,” dagdag pa niya.
Nanawagan din ang CHR sa mga witness na bibigyan ng proteksyon na magsalita nang may katotohanan at bukas-puso.
Umaasa rin ang komisyon na magbibigay din ng impormasyon ang iba pang sangkot sa kaso.
Kamakailan, ibinahagi ng isa sa anim na security guard na inakusahang dumukot sa mga sabungero ang kinaroroonan ng 34 nawawalang sabungero. RNT/JGC