Home NATIONWIDE Paglahok ng BRP Teresa Magbanua sa maritime exercise ng Japan at US,...

Paglahok ng BRP Teresa Magbanua sa maritime exercise ng Japan at US, matagumpay

MANILA, Philippines – Matagumpay ang paglahok ng BRP Teresa Magbanua sa Trilateral Maritime Exercise 2025 kasama ang Japan Coast Guard at U.S. Coast Guard.

Nagsimula ang pagsasanay noong Hunyo 6 sa Kagoshima Port, Japan, bilang bahagi ng pagpapalakas ng maritime security sa Indo-Pacific Region.

Sa panayam kay PCG Deputy Commandant for Administration Rear Admiral Hostillo Arturo Cornelio, malaking tulong ang naturang pagsasanay o aktibidad sa mga personnel lalo na sa Communication Exercise, Search and Rescue Exercise, Fire Fighting Exercise, Photo Exercise at Transfer of Personnel dahil mailalatag nila ang kanilang natutunan sa operasyon ng PCG.

Layunin din ng pagsasanay na palakasin ang antas ng kakayahan ng BRP Teresa Magbanua lalo na sa pagmomonitor sa Escoda Shoal kung saan naitala ang harassment ng China Coast Guard. Jocelyn Tabangcura-Domenden