Home NATIONWIDE Chua Brothers, nanguna sa survey sa Noveleta, Cavite

Chua Brothers, nanguna sa survey sa Noveleta, Cavite

Noveleta, Cavite – Nilampaso ng Team Unlad ang Team Aksyon sa pinakabagong survey ng Mavowe-Optima Marketing & Management Consultants Corp. na  isinagawa mula Abril 19 hanggang Abril 26, 2025.

Ayon sa Mavowe-Optima Survey na may 2,000 respondents, kung ngayon gaganapin ang eleksyon, kakain ng alikabok ang Team Aksyon dahil nakapagtala ang Team Unlad sa pangunguna ni Board Member Davey Chua ng 81% preference vote sa pagka-alkalde, laban sa 18% preference vote lamang ni Vice Mayor Arlynn Torres para sa parehong posisyon.

Habang si Mayor Dino Chua ay humakot ng 85% preference vote para sa pagka-bise alkalde, laban sa 14% preference vote naman ni Konsehal Ronel Lamit.

Samantala, ayon naman sa trust rating na isinagawa ng Mavowe-Optima, nakuha ng Chua brothers ang buong tiwala ng Noveleteño, na nagtala si Davey Chua ng 76%, habang humakot si Dino Chua ng 86%, malayong mataas kumpara sa 19% trust rating ni Arlynn Torres at 16% ni Ronel Lamit.

Ayon sa Mavowe-Optima, maituturing nang selyado ang eleksyon sa Noveleta dahil 84% ng supporters ni Davey at 87% ng supporters ni Dino ang nagsabing hindi na magbabago ang desisyon o kaisipan sa kanilang pagboto sa May 12, 2025 sa National and Local Elections.

Habang ang lokal na pamahalaan ng Noveleta ay nakapagtala ng 82% performance rating na nangunguhulugan lang ng maganda at maayos na serbisyo at pamamalakad nito sa bayan ng Noveleta.

Ang naturang survey ay may margin of error na 5%. RNT