Manila, Philippines- The “father-daughter” relationship between Chuckie Dreyfus and Jillian Ward goes a long way.
Ayon mismo kay Chuckie in his social media account, anim na taong gulang pa lang daw noon ang ngayo’y 20 anyos nang aktres ay kilala na niya ito.
Saksi si Chuckie sa mga simulain ni Jillian until she became who she is today–“a woman worth looking up to.”
Ang huling proyektong pinagsamahan ng “magtatay” ay ang Abot-Kamay Na Pangarap” sa GMA.
Having known Jillian long enough, kabisado na raw ni Chuckie ang ‘ika nga’y hilatsa nito.
Chuckie looks back on his closeness to Jillian, partikular na ang pagpapadala nito ng mga late night messages.
Kabilang dito ang pagbabahagi ng aktres ng kanyang mga tagumpay, struggles, frustrations, pangarap at iba pa.
Nito lang ay sumabog na si Jilian dahil sa fake news na kinapapalooban niya.
Ang pinakamatindi nga ay ang balitang pambubugaw sa kanya ng inang si Jennifer Ward.
Kasama rin ang pagpatol niya sa mayayamang matatandang lalaki, isa na rito’y si dating llocos Sur Governor Chavit Singson who’s now 84 years old.
In her recent guesting on Fast Talk with Boy Abunda, inalmahan ni Jillian ang intrigang ito, saying that her mom couldn’t possibly do that to her.
Sa ngayon, Jillian and her mom are contemplating filing cyberlibel charges against certain responsible individuals.
Going back to Chuckie, this is what he has to share with Jillian as a piece of advice: “You don’t owe anyone an explanation, not when it’s built on grit, grace and God’s timing!”
May pahabol pa si Chuckie na: “I gotcha!” –isang reassurance na nasa likod ito ng aktres. Ronnie Carrasco III