Home METRO CICL sa Tacloban school shooting isasailalim sa prelim investigation – DOJ

CICL sa Tacloban school shooting isasailalim sa prelim investigation – DOJ

1
0

MANILA, Philippines – Isa sa mga Child Conflict with the Law o CICL na sangkot sa mass shooting sa Tacloban ang isasailalim na sa preliminary investigation process.

Sinabi ni Usec. Ian Dato ng Department of Justice (DOJ) sa press briefing, ito ay kasunod ng isinagawang  inquest proceedings sa Tacloban City Prosecutors Office noong June 24, 2026.

Ang CICL na 15-anyos  ay kinasuhan ng 3 counts ng murder at 2 counts ng attempted murder kung saan kasalukuyang nanatili sa rehabilitation center sa Region 8.

Kasama niya ang 14-anyos na si Alyas Nash na ngayon ay sumasailalim sa  intervention programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Paliwanag ni Dato, depende aniya sa assessment ng Korte kung hanggang kailan sa rehab center at anong klaseng intervention programs ang kailangan nilang pagdaanan. 

Binanggit din ni Dato na tinulungan ng Regional Prosecutors Office Region 8 ang pamilya ng mga biktima para maghain ng claims sa DOJ Board of Claims.

Maaalala na nangyari ang pamamaril ng dalawang estudyante  sa kapwa nila mag-aaral noong June 22 sa San Jose National High School sa Tacloban City kung saan tatlo ang nasawi habang limang iba pa ang sugatan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here