Pinababa ng Cignal sa trono ang defending champion Kurashiki Ablaze matapos talunin sa iskor na 25-23, 19-25, 25-23, 22-25, 15-11 sa semifinal ng 2024 PVL Invitational noong Miyerkules sa PhilSports Arena.
Dahil sa panalo, naikasa ng HD Spikers ang knockout championship round kontra sa mabangis na Creamline ngayong Huwebes sa Smart Areneta Coliseum.
Nanguna sa panalo para sa Cignal ang import na si MJ Perez na nagtapos ng isang tansong medalya sa kamakailang Reinforced Conference.
Nagpasabog ang Venezuelan spiker ng 36 puntos na nakaangkla sa 34 na pag-atake at dalawa sa kanilang siyam na bloke habang humahawak din ng 21 reception.
Nanguna naman para sa lokal si Ces Molina na may 13 puntos habang ang middle blockers na sina Jacqueline Acuna at Ria Meneses ay nag-chip ng tig-10 markers.
Si Kurashiki, ang naghaharing kampeon matapos maghari sa 2023 edition laban sa Creamline, ay umasa kay Cing Low Mei na nagposte ng 24 puntos habang si Saki Tanabe ay nagtala ng 19 na marka sa losing cause.
Sasagupa pa rin sa bronze round ang Kurashiki laban sa Est Cola.JC