Home METRO Binatilyong promdi na may problema sa pag-iisip ibinigti sa waiting shed

Binatilyong promdi na may problema sa pag-iisip ibinigti sa waiting shed

Bulacan – Isang hindi nakilalang binatilyo ang natagpuan ng mga residente na nakabigti sa madilim na waiting shed sa bayan ng San Rafael.

Sa report, ang hindi nakilalang lalaking nakabigti ay tinatayang nasa edad 20 hanggang 30, may taas na 5’2”, nakasuot ng damit na kulay sky blue at black short.

Nabatid na nadiskubre ng mga awtoridad ang biktimang may nakasabit na karton at may nakasaad na “YARI KA”, bandang 3:00 ng madaling araw nitong Setyembre 10 sa Brgy. Tukod.

Sinusulat ito, base sa impormasyong nakalap at sa mga comments sa Facebook post na nagviral, ang biktima ay natagpuan ng ilang residente sa lugar na agad ini-report sa mga awtoridad.

Ayon sa mga comment, ang biktima ay mula sa probinsya ng Negros, wala pang isang buwan na naninirahan sa kanyang kaanak sa Brgy. Pasong Callos, San Rafael at may sakit umano sa pag-iisip.

Sumisigaw ng hustisya ang mga naiwang kaanak ng biktima na kaawa-awang nabigti sa lugar. Dick Mirasol III