Home NATIONWIDE Guarantee letter ng DSWD, tatanggapin na sa mga botika

Guarantee letter ng DSWD, tatanggapin na sa mga botika

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maaari nang magamit ang guarantee letters na ibinibigay ng ahensya para ipambili ng gamot sa mga piling botika sa bansa.

“Under the Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program, the DSWD has been engaging with selected pharmacies to help poor clients to purchase their medicine needs through the DSWD-issued GLs,” sabi ni DSWD Spokesperson Asst. Secretary Irene Dumlao.

Ayon pa sa DSWD, ang Guarantee Letter ay isang dokumento na ibinibigay ng ahensya para sa mga benepisyaryo na nangangailangan ng tulong medikal. Ang GL ay naka-address sa mga service provider ng ahensya at ginagamit bilang garantiya sa serbisyo kabilang na ang gamot na kailangan.

Kabilang naman sa mga botika sa Metro Manila na tumatanggap ng DSWD-issued GL ay ang Globo Asiatico Enterprises, Inc.; Onco Care Pharma Corporation; Urology Med Care, Inc.; Complete Solution Pharmacy and General Merchandise; Haran Pharmaceutical Product Distribution Ltd. Co.; Keminfinity, Inc.; Medinfinity, Inc.; JCS Pharmaceuticals, Inc.; Interpharma Solutions Philippines, Inc.; at pharmacies mula sa Drugstores Association of the Philippines (DSAP).

Samantala, para naman sa mga indibidwal na dumadaan sa krisis at mula sa ibang rehiyon, maaaring makipagugnayan sa o magtungo sa DSWD Field Office sa kanilang lugar upang malaman ang kumpletong listahan ng mga botikang tumatanggap ng GL.

Ang AICS ay kabilang sa social protection services ng DSWD na nagbibigay ng tulong para sa medical, burial, transportation, education, food, o financial assistance sa mga indibidwal na dumaranas ng krisis sa buhay batay na rin sa assessment ng social worker. Santi Celario