Home NATIONWIDE PhilHealth, kinastigo ni Chiz sa lumang depinisyon ng indigent: ‘Dapat makabago’

PhilHealth, kinastigo ni Chiz sa lumang depinisyon ng indigent: ‘Dapat makabago’

180
0

MANILA, Philippines – Matinding kinastigo ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) hinggil sa depinisyon ng salitang “indigent” sa sistema nito na hindi na angkop sa kasalukuyang panahon.

Sa pahayag, sinabi ni Escudero na dapat muling bigyan ng kapahulugan ng PhilHealth ang salitang “indigent” hinggil sa pangangailangan ng kalusugan ng mamamayang Filipino.

Aniya, kung pag-uusapan ang kalusugan ng mamamayan, magkakaroon ng mas makabagong pakahulugan ang salitang indigent.

“Any person who is sick or who has a family member or loved one suffering from cancer, heart, kidney or lung disease is considered an indigent,” ayon kay Escudero.

“Even if that individual is earning 28,000 pesos, 68,000 pesos or even 100,000 pesos per month, given the daily expenses for food, housing, medicines and other bills, that person is cancer indigent, heart disease indigent, lung disease indigent or kidney failure indigent. This should be the new outlook of the government toward healthcare,” giit niya.

Sa kasalukuyang pagkilos na iakma ang case rates ng inpatient memebers, sinabi ni Escudero na dapat tignan ng PhilHealht ang halaga ng kontribusyon ng miyembro na ibinabayad sa regular na basehan.

Katulad ng nangyayari sa ilang produktong insurance, sinabi ng president ng Senado na nagkakatalo ang antas ng nakukuhang benepisyo kung magkano ang ibinabayad na premium ng kliyente.

Sa ginanap na pagdinig ng Committee on Health, kinuwestiyon ni Escudero ang ilang PhilHealth officials kung tinuos kung magkano ang benepisyong makukuha dapat ng isang miyembro.

“Bakit hindi tumugma ‘yung actuarial study ng kontribusyon doon sa benepisyo na binibigay? After several questions, bakit ganon kadali magsabing 30 percent? Bakit hindi 50 percent? Bakit hindi 100%? Is there an actuarial study that is based on?” ayon kay Escudero.

Sinabi ni Escudero na pinagbabasehan ng PhilHealth ang antas ng kontribusyon ng empleadyo sa halaga ng kumpensasyon n kanilang natatanggap,, kuwestiyonable kung bakit may nag-iisang case rate ang ahensiya na ipinatutupad sa lahat ng miyembro.

“Bakit ‘yung case rate iisa, magkano man ang kontribusyon mo? Parang ‘yun pa lang may mali na. Hindi ba ang tipikal na insurance, sa pribado bibili ka ng package at depende sa premium na binayaran mo, ‘yun ang makukuha mong benepisyo. Bakit sa Philhealth ‘yung case rate ay aplikable sa lahat kahit magkano ‘yung kontribusyon mo? Baka ‘yan ang rason kung bakit nakaipon ng ganyan kalaking reserves din ang PhilHealth,” paliwanag ni Escudero.

Sinimulan ng PhilHealth ang implementasyon ng All Case Rates Policy noong 2013 kapag na fee-for-service provider mechanism.

Simula noong 2013, lahat ng case rates ay inaayos at kaya ang PhilHealth Board, sa pamamagitan ng PBR No. 2871 s. 2024 (Resolution Adopting a 30 percent Inflation Adjustment Factor for Select Case Rates) inaprubahan ang na inflation adjustment factor ng 30 percent para sa umiiral na existing case rates upang bayaran ang halaga ng pagbabago sa nakalipas na dekada.

“For most employees of government for instance, they are not considered indigent. Whatever amount they earn, it’s never going to be enough to pay the medical expenses if you’re a cancer patient or if you need a heart operation,” ayon kay Escudero.

“Kaya ‘yung lumang concept natin na indigent lang tutulungan, sa totoo lang kahit sino na may kamag-anak na magkakasakit na seryoso tulad ng cancer o sakit sa puso, hindi po sapat ‘yung sweldo kahit isandaang libo pa ‘yan kada buwan dahil ginagastos mo rin ‘yun,” dagdag ng Senate President.

Idinagdag pa ni Escudero na may sapat na pondo ang PhilHealath na sakupin ang adjustment sa case rates na nakikita naman sa lumulobong reserve fund sa loob ng maraming taon.

Umabot na sa P500 bilyon ang reserve fund ng PhilHaelth, at malaking bahagi nito ang hindi nagagamit at nalulugi lamang sa inflation.

“Based on a four-percent inflation rate, “you are losing, in terms of value, P20 billion,” giit ni Escudero.

“Dalawampung bilyong piso ang halaga ng serbisyong nabibigay mo sana sa Pilipinong nangangailangan ng medical services na hindi niyo naibigay dahil hindi mo ginastos ang pera, and we simply lost that amount to inflation,” ayon pa ka Escudero.

“That’s why the Department of Finance considered getting the money kasi sayang. Nagde-depreciate lang ang pera, hindi napapakinabangan and yet in the middle of all of this, lives are being lost. You should’ve acted yesterday, you should’ve acted last week, last month, even last year so kindly act with a sense of urgency because tomorrow is already late,” dagdag niya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here