MANILA, Philippines- Inihayag ng may-ari ng lumubog na motor tanker na Terranova sa Bataan nitong Miyerkules na magtatatag ng claim centers sa mga apektadong lugar para sa kompensasyon ng mga apektado ng oil spill.
Sinabi ng legal counsel ng may-ari ng MTKR Terranova, si Atty. Valeriano del Rosario, na nakausap na nila ang local government units ng Bataan at Cavite.
“When we went to Cavite and when we spoke to Bataan last week, I was with that team, and we were explaining to them that first of all, there will be a checking of what LGUs were affected and how many,” pahayag ni Del Rosario sa pagdinig ng Senate committee on environment, natural resources, and climate change.
“And then also in Cavite, we met with the governor and we explained the protocol about doing a survey of affected LGUs. And then once the numbers have been noted, there will be claim centers created for them,” dagdag niya.
Sinabi pa ng abogado na ang may-ari ng MTKR Terranova na Shogun Ships Company Incorporated ay may insurance mula sa kompanyang Steamship Mutual para sa protection and indemnity (P&I) na uri ng insurance.
Nang tanungin kung magkano ang saklaw ng insurance, wika ni Del Rosario, “The limit is based on what they call the CLC, that’s the Civil Liabilities Convention. It became a law in the Philippines sponsored by (then) Senator Manny Villar, the Oil Compensation Fund. The limit there is $6 million for now.”
Humarap din ang isa sa mga may-ari ng MTKR Terranova, si Vicente J. Cordero III, sa Senate panel. Iginiit niyang rehistrado ang kanilang mga barko na may kaukulang dokumento at hindi sangkot sa anumang ilegal na aktibidad.
“No po, hindi po siya involved sa mga ganyang activities…Kami po, fully licensed, all valid and current.”
Ani Cordero, naglayag ang MTKR Terranova noong Hulyo 23 nang walang tropical cyclone wind signal sa pinagmulan nito sa Bataan at destinasyon sa Iloilo. Dahil dito, sinabi niyang binigyan sila ng clearance ng Philippine Coast Guard (PCG).
Sa panahong ito, umiiral ang Southwest Monsoon o Habagat at Tropical Cyclone Carina sa bansa.
“Noong time na binigyan kami ng clearance, ‘yung eye ng storm po malapit na sa Taiwan and na-lift na po ‘yung Signal No. 1,” pahayag ni Cordero.
“Noong [July] 22 po kami nag-apply ng clearance. However, hindi po kami binigyan ng clearance. And noong [July] 23 po ng 11 ng gabi, undergoing ‘yung pre-departure activities, dun po kami binigyan ng clearance ng Coast Guard,” dagdag niya.
“If there’s one gap that we have to address, it is the regulations that we have now that were made before. So kailangan natin sigurong i-upgrade (perhaps we need to upgrade) to reflect the effect of climate change,” ayon naman kay PCG commandant Admiral Ronnie Gil Gavan.
Patay ang isa sa crew member at 16 iba pa ang nasagip matapos tumaob ng MTKR Terranova capsized at lumubog 3.6 nautical miles sa silangan ng Lamao Point sa Limay, base sa PCG.
Isinailalim ang Bataan sa state of calamity dahil sa oil spill. Sa Cavite, nagdeklara ng state of calamity sa hindi bababa sa walong bayan. RNT/SA