Home SPORTS Clarin, Gasataya tutuklas pa ng mga sports icon sa Bacolod

Clarin, Gasataya tutuklas pa ng mga sports icon sa Bacolod

BUMISITA kamakailan si Congressman Greg Gasataya, kasama ang ilan niyang staff, sa tanggapan ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Atty. Richard S. Clarin sa Makati City.

Tinalakay ni Gasataya kay Clarin ang pagnanais nitong iangat pa ang Philippine Sports Industry sa City of Bacolod sa pamamagitan ng pagho-host ng mga serye ng high-stakes amateur sports tournaments upang makatuklas pa ng mga promising talent sa larangan ng basketball at E-Sports.

Pinuri ni GAB Chairman Clarin ang pagmamahal ni Cong. Gasataya sa larangan ng palakasan.

Bahagi pa rin ito ng 3xPRO advocacy ni Clarin na “promote, professionalize, protect” ang Philippine Sports.

“The GAB Chairman fully supports Cong. Gasataya’s initiatives and regards Inter-Barangay Tournaments as a joint effort to look for the next champions in E-sports and Basketball, resonating with the aspirations of a thriving sports community, “ayon sa pahayag ng GAB.

“The GAB Chairman also aims to impart amateur players the many benefits of being a licensed professional athlete by conducting regular trainings, seminars, and informative programs that would largely benefit up-and-coming sports athletes in Bacolod City.”

Previous articleSirit-presyo sa LPG ngayong Marso!
Next articleEconomic Cha-cha magiging daan para komonti mga Pinoy na nais mag-abroad