Home NATIONWIDE Economic Cha-cha magiging daan para komonti mga Pinoy na nais mag-abroad

Economic Cha-cha magiging daan para komonti mga Pinoy na nais mag-abroad

MANILA, Philippines – Positibo si Iloilo Rep Janette Garin na sa oras na mabuksan ang bansa sa foreign investments resulta ng pagbabago sa Saligang Batas ay unti unti na din mababawasan ang mga Filipino na maghahanap ng trabaho sa labas ng bansa.

Sa papapatuloy ng deliberasyon ng Kamara sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 sinabi ni Garin na ang kawalan ng magandang oportunidad sa Pilipinas ang syang nagtutulak sa mga Pinoy na mangibang bansa, subalit kung marami nang magagandang trabaho na may malaking pasahod sa bansa ay mas pipiliin ng mga Pinoy na hindi na umalis.

“Doesn’t RBH 7 imply that the Philippines will be opened up so that companies can afford higher salaries, leading to a better life for every Filipino family?. Masakit mang sabihin, napakaraming Pilipino ang nasa Vietnam na dati rati dito ay sila ay mga managers and some of them are even company owners pero hindi nila kaya ang malaking kapital. Sila ay kinukuha at pina-pirate ng mga dahuyang kompanya at napipilitan silang umalis ng ating bansa para paglingkuran ang bansang hindi nila kinagisnan” ani Garin.

Tinukoy ni Garin ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakita na 1.96 million Filipinos ang nagtrabaho sa ibang bansa sa pagitan lamang ng Abril hanggang September 2022, ang nasabing bilang ay mataas ng 7.6 percent kung ikukumpara sa datos noong 2021.

Sinabi ni Garin na marami din na medical professionals ang pinipiling magtrabaho sa labas ng bansa dahil sa kawalan ng oportunidad sa Pilipinas, aniya, mababago na ito kung bubuksan ng bansa ang mga bagong investment.

“If we open up opportunities, even for research and other fields, wouldn’t our talented scientists, engineers, and professionals return to work in the Philippines?”paliwanag ni Garin. Gail Mendoza

Previous articleClarin, Gasataya tutuklas pa ng mga sports icon sa Bacolod
Next articleMga negosyante hinamon ng Makabayan Bloc na ipaliwanag kung paano malulugi sa wage hike