Home OPINION CLARK MULING IPINAKIKILALA BILANG “INDUSTRIAL PARK AND TOURIST DESTINATION”

CLARK MULING IPINAKIKILALA BILANG “INDUSTRIAL PARK AND TOURIST DESTINATION”

DAHIL sa mas inayos na accessibility mula sa ibang mga lungsod ng Asya at sa mga kalapit na mga lalawigan, nais ng CDC o ng Clark Development Corporation na pasiglahin ang Clark city bilang isang “industrial park and tourist destination”.

Ayon kay CDC president at chief exe­cutive officer Agnes VST Devanadera na hindi dapat sayangin ang isinaayos na Clark International Airport at ang mga world class na mga daanan katulad ng Skyway, North Luzon Expressway, South Luzon Expressway, Tarlac-Pangasi­nan-La Union Expressway, at sa taong 2025 ay ang bagong rail system, dapat aniyang makinabang dito ang Clark city.

Ipinaalam din ni CDC PCEO Devanadera, may 127,590 na nakatakdang kunin sa trabaho ng 1,137 locators sa expanded business hub nito. Pero maliban sa pagiging investment hub, ang Clark city ay isa ring tourist destination. Isa ito sa mga kinilala ng DOT o ng Department of Tourism bilang isang MICE destination o Meetings, Incentives, Conferences and Exhibitions na gaganapin dito sa July 2024.

Ayon kay Devanadera, hindi nila bibiguin ang DOT dahil mayroon silang world-class hotels, shopping and dining establishments, at medical facilities. May handog na fiscal and non-fiscal incentives para sa mga negosyante ang CDC kabilang ang income tax holidays, ang 5% taxes on gross income earned, enhanced deductions, at VAT exemptions.

Gayundin ang free flow of goods, special visas for foreign nationals, 100% foreign ownership, skilled workers, at ease of doing business. Magtatayo rin ang CDC ng isang one-stop-shop na nakatakdang tumulong sa mga investors sa pagproseso ng building permits, business licenses, at iba pang mahahalagang dokumento.

Pagmamalaki din ni PCEO Devanadera, may mababang crime rate ang Clark city dahil sa tulong ng mga blue guards nito at sa pinag-ibayong intelligence gathering sa loob at labas. Mahigpit din ang pagbabantay ng CDC sa mga ilegal na aktibidad ng human trafficking, online scams, at maging mga gawain na sangkot ang POGOs o ang Philippine Offshore Gaming Operators.