Home NATIONWIDE Clash points sa 2025 polls padaragdagan ng security personnel ng Comelec

Clash points sa 2025 polls padaragdagan ng security personnel ng Comelec

161
0

MANILA, Philippines – Tinitignan ng Commission on Elections (Comelec) na dagdagan ang mga security personnel na ipapakalat sa “clash points” sa 2025 polls sa gitna ng hindi inaasahang karahasan sa katatapos na barangay at youth elections.

Sinabi ni Comelec spokesperson Atty. Rex Laudiangco na kailangan mapabuti ang pagpapatupad ng seguridad sa 2025 elections.

Ang “clash points,” ay tinawag din na Comelec areas of concern, na kinakategorya bilang green, yellow, orange, at red.

Bagama’t mayroong “sapat na bilang ng mga tauhan ng pulisya at militar” na nakatalaga sa mga clash point noong Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE), sinabi ni Laudiangco na hindi inaasahan ang lawak ng karahasan na may kaugnayan sa halalan.

Ang clash points gaya ng Puerto Princesa, hindi aniya nila inaasahan dahil ito ay wala sa red category o sa orange category, ito ay nasa green category.

Ang mga tagasuporta ng isang kandidato sa Barangay Kalipay ang nanggulo sa isang clustered precinct at pinunit ang daan-daang hindi nagamit na mga balota, na nag-udyok sa Comelec na suspindihin ang mga aktibidad ng ilang oras.

Sinabi ng Comelec na sa pangkalahatan ay mapayapa ang halalan kahit may karahasan na sumisira sa mga botohan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here