Home NATIONWIDE Classroom observation policy nirerepaso na ng DepEd kasunod ng pagkamatay ng guro

Classroom observation policy nirerepaso na ng DepEd kasunod ng pagkamatay ng guro

279
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Education Secretary Sonny Angara na nirerepaso ng Department of Education (DepEd)classroom observation policy nito kasunod ng pagkamatay ng isang public school teacher sa panahon ng class observation, sa gitna ng matagal ng alalahanin mula sa tagapagturo ukol sa ‘excessive pressure’ sa evaluation process.

Tinalakay ni Angara ang usapin sa isang ambush interview sa San Francisco High School sa Quezon City, kung saan nilinaw na ang classroom observation ay hindi na ginagamit na sole basis para sa teacher performance evaluation.

“Actually under review yun kasi yun yung reklamo ng mga teachers na minsan masyadong pressure yung environment,” ang sinabi ni Angara.

Tinuran pa niya na ang Education Department ay gumawa na ng pagbabago sa polisiya, kabilang na ang pag-alis sa sorpresang classroom visits.

“Hindi na namin ginawang sole basis tapos surprise yung visits dati pero ngayon scheduled na,” ang sinabi ng Kalihim.

Winika ni Angara na ang imbestigasyon ng DepEd sa insidente ay natukalasan na ‘no coercion o intimidation’, idagdag pa na ang guro ay mayroong medical condition sa oras na iyon.

“Sa investigation namin wala namang coercion,” ang ipinaalam ng Kalihim.

“Ano lang talaga may karamdaman si teacher Agnes noong day na yan,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa ni Angara na ang teacher evaluations ngayon ay nagre-rely sa multiple indicators, kaysa sa single classroom observation, sa isang mas mahusay na sumasalamin sa pangkalahatang pagganap.

“Yung review namin ng teachers (assessment) hindi lang limited sa classroom observation,” ayon kay Angara.

Aniya, ang feedback mula sa school community ay kinokonsidera, sabay sabing ang classroom performance sa isang single day ay “may not fully reflect a teacher’s abilities.”

Sinabi pa ni Angara na nagpapatuloy ang policy review, idagdag pa na ia-assess ng DepEd kung kinakailangang magsagawa ng adjustments upang matiyak ang kapakanan ng mga guro habang pinapanatili ang accountability.

Sa kabilang dako, nagpaabot naman ng pakikiramay si Angara sa pamilya ng namatay na guro at sa Schools Division Office na sangkot.

Sa ulat, isang public high school teacher sa Muntinlupa ang nasawi habang isinasagawa ang isang classroom observation. Bunsod nito, muling binuhay ng mga grupo ng guro na repasuhin ang mga patakaran tungkol sa evaluation ng mga guro.

Kinumpirma ng Schools Division Office ng Muntinlupa ang pagkamatay ng isang guro mula sa Pedro E. Diaz High School, at sinabing pumanaw ang guro “while fulfilling her dedication to education.”

Ayon sa Teachers’ Dignity Coalition (TDC), iniulat na nangyari ang pagkamatay ng guro habang may isinasagawang classroom observation, at nanawagan sila sa Department of Education (DepEd) na agarang repasuhin ang mga patakaran nito sa classroom observation, na bahagi ng performance rating system ng mga guro.

Binigyang-diin ng grupo na ang classroom observation ay dapat magsilbing pangsuporta at para mapahusay ang pagtuturo, at hindi bilang isang parusa o judgmental mechanism na dagdag sa stress at workload ng mga guro. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here