Home NATIONWIDE 4 na sasakyan nagkarambola sa Bataan

4 na sasakyan nagkarambola sa Bataan

217
0

MANILA, Philippines – Apat na sasakyan ang nagkarambola sa gitna ng kalsada at masugatan ang ilang indibidwal na sakay ng mga sangkot na sasakyan sa nangyaring aksidente sa bahagi ng Roman Expressway sa Barangay Mambog, Hermosa, Bataan.

Sangkot sa insidente ang isang Mitsubishi L300 Van, Montero Sports Utility Vehicle, Toyota Innova at isang Kolong-kolong na traysikel.

Sa inisyal na imbestigasyon, paliko sana sa kaliwa ang L-300 Van nang masalpok ito ng Montero SUV na nasa likod, kung saan bumangga naman ang van sa sinusundang kolong-kolong na tiyempong nasalpok naman ng kasalubong na Toyota Innova.

Walang naiulat na nasawi sa aksidente pero isinugod sa pagamutan ang mga sugatang driver at ilan pang sugatan na sakay ng mga nagkarambolang behikulo.

Gumugulong pa ang imbestigasyon sa insidente kung sino ang dapat managot. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here