MANILA, Philippines – Magsisimula ng pag-aayos ng mga nasirang dike sa Calumpit, Bulacan, upang maibsan ang pagbaha sa lugar tuwing tag-ulan.
Nitong Biyernes, Enero 9, inatasan ni DPWH Secretary Vince Dizon ang mga bagong opisyal ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office na bigyang-prauoridad ang Calumpit at iba pang mga lugar na mababaha sa lalawigan, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguruhin ang tamang implementasyon ng mga proyekto base sa master plan.
Inatasan din niya ang mga lokal na opisyal ng DPWH na siguraduhin na walang mga “ghost” at substandard na proyekto sa pagkakataong ito.
Noong Agosto noong nakaraang taon, nag-inspeksyon ang Pangulo sa isang proyekto sa proteksyon ng ilog sa Barangay Bulusan bilang tugon sa mga reklamo na isinumite sa thesumbongsapangulo.ph. Jocelyn Tabangcura-Domenden