Home METRO Lolo na akusado sa kasong acts of lasciviousness at Lascivious conduct, laglag...

Lolo na akusado sa kasong acts of lasciviousness at Lascivious conduct, laglag sa mga awtoridad

257
0

MANILA, Philippines – Hindi na nakapalag ang isang 60-anyos na Lolo nang arestuhin sa kasong Acts of Lasciviousness at Lascivious Conduct matapos malambat sa naganap na manhunt operation sa Malabon City, napaulat kahapon, Enero 9.

Batay Sa ulat na nakalap mula sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, nakilala ang akusado sa alyas “Jaime”, vendor ng Sitio, 6, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod.

Napag-alaman ng pulisya na may nakabinbing arrest warrant ang akusado na inisyu ng Malabon City Family Court Branch 4, noong December 15, 20215 para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 at Lascivious Conduct in relation to RA 7610.

Dahil dito, kaagad ikinasa ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon CPS ang malawakang manhunt operation laban sa akusado na nakatala bilang No. 9 sa Top Ten Most Wanted Person ng Malabon CPS.

Ganap na alas-3:40 ng hapon nang tuluyang maaresto ng mga tauhan ni Col. Umipig ang akusado sa Ibarra Street, Barangay Acacia, sa bisa ng arrest warrant na may inirekomendang piyansa na P360,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here