Home ENTERTAINMENT Claudine, naka-relate, handang mamagitan kina Rita at Archie!

Claudine, naka-relate, handang mamagitan kina Rita at Archie!

Manila, Philippines- Nagpasintabi muna si Claudine Barretto–hindi raw siya nakikisawsaw sa isyung sangkot si Rita Daniela.

Rita claims she was a victim of acts of lasciviousness allegedly perpetrated by her co-star in GMA’s Widows’ War.

Ani Claudine, nakaka-relate daw siya sa kaso ni Rita na aniya’y isang Claudinian.

Pero immaterial daw ‘yon.

Ang mas nanaig sa 44 anyos na aktres ay ang na-violate na karapatan ni Rita.

“Hindi ako nakikisawsaw sa isyu but because I was a victim myself years ago!” pagtatapat ni Claudine.

She, however, declined to drop the name of her perpetrator.

Naunawaan daw ni Claudine kung nais ni Archie na linisin ang kanyang pangalan.

After all, he’s doing it for the sake of his family.

Pero maano raw bang humingi ng paumanhin ang aktor sa ginawa nito kay Rita?

“It won’t make him less of a man!” giit ni Claudine.

Nakahanda rin daw mamagitan ang aktres sa dalawang partido para maisaayos nila ang gulo.

Kasamang pinost ni Claudine ang convo nila ni Rita.

Mensahe ni Claudine kay Archie: “Ako ang harapin mo!”

Nanawagan din si Claudine na maging compassionate kay Rita sa gitna ng pinagdadaanan nito. Ronnie Carrasco III