Home METRO Clergy for Good Governance, inilunsad!

Clergy for Good Governance, inilunsad!

MANILA, Philippines – MAHIGIT dalawang daang Pari, at Obispo mula sa iba’t ibang Diocese sa Luzon, Visayas at Mindanao ang lumagda bilang mga convernors ng Clergy for Good Governance (CGG), isang samahan na inilunsad ng mga taong simbahan.

Layunin ng naturang grupo ay tugunan ang iba’t-ibang isyu na kinakaharap ng bansa na may kinalaman sa moralidad, espiritwal at maging pulitikal.

Ang Clergy of Good Governance ay binubuo ng 211 na mga pari sa buong bansa.

Bago ang launching, isang misa ang ginawa sa Immaculate Concepcion Cathedral sa QC na dinaluhan ng iba’t-ibang personalidad tulad nina dating DICT Sec. Eliseo Rio at dating Agriculture Asec. Kristine Evangelista.

Ayon kay Fr. Joel Saballa, isa sa mga bumubuo ng Clergy for Good Governance, nagsimulang mabuo ang naturang samahan noong nakalipas na Oktubre para buhayin ang dati nilang samahan na Clergy for Moral Choice for Good Governance.

Layunin ng Clergy for Good Governance na tugunan ang pangangailangan ng taumbayan, isulong ang kapakanan ng nakararami at itaguyod ang aral ng simbahan.

Kasama rin sa pagtutuunan nila ay ang makatarungan at maayos na pamamahala kaugnay ng nalalapit na 2025 Midterm election.

Inilahad din nila ang pitong panawagan sa pamahalaan at taumbayan kung saan kabilang dito ang pagsusulong ng mabuting pamamahala, electoral reforms, paglaban sa political dynasty, laban sa kurapsyon, respeto sa karapatang pantao, respeto sa Human Rights, proteksyon sa kapaligiran at soberenya sa West Philippine Sea. Santi Celario