ILOCOS SUR – Hindi nakaligtas kay kamatayan ang isang 67-anyos na lalaki matapos makuryente sa bayan ng San Juan ng lalawigang ito kahapon ng umaga, Nobyembre 28.
Ayon sa San Juan Municipal Police Station, ang biktima ay residente ng naturang bayan, may asawa, isang magsasaka.
Kasalukuyang nag-aararo sa kanyang bukid ang biktima nang bumagsak ang electrical post kung saan nakakabit o nakakonekta ang ginagamit nilang electric water pump kaya pinuntahan niya ito para ayusin.
Habang inaayos ito ay aksidenteng nasagi ng biktima ang live wire.
Dahil dito nakuryente ang biktima at agad itong isinugod sa ospital.
Gayunman, ang biktima ay hindi na nagawang isalba pa ng doktor. Rolando S. Gamoso