PARIS, France – Ibinahagi ng French entomologist na si Anna-Bella Failloux ng Pasteur Institute ang kanyang karanasan sa paglaban sa mga sakit na dala ng lamok, matapos lumaki sa Tahiti kung saan maraming tao ang naapektuhan ng elephantiasis mula sa kagat ng lamok.
Ayon sa kanya, dati ay tropical areas lang ang apektado, pero dahil sa climate change, mas lumalawak na ang mga lugar na pinamumugaran ng lamok sa buong mundo.
“You have to accept being bitten by a mosquito from time to time,” sabi niya, pero giit niya, “But we have to avoid too many people getting sick and dying from the infections.”
Binibigyang-diin din niya na ang mga lamok ay maaaring magdala ng dengue, yellow fever, chikungunya, at Zika virus, na mas nagiging banta kahit sa mga bansang hindi naman tropikal dati.
Ayon sa World Health Organization (WHO), 80% ng populasyon sa mundo ay nasa panganib na ma-expose sa mga sakit na ito, na kumikitil ng mahigit isang milyong buhay kada taon.
Payo ni Failloux, mahalaga rin ang simpleng pag-iwas sa breeding grounds ng lamok tulad ng stagnant water sa paligid ng bahay, baradong kanal, at hindi nalilinis na bakuran upang makontrol ang pagdami nito. RNT/MND