Home NATIONWIDE COC filing muling sinuspinde

COC filing muling sinuspinde

MANILA, Philippines- Dahil sa patuloy na sama ng panahon, muling sinuspinde ng Commission on Elections ang pagpapasa ng aplikasyon o ‘certificate of candidacy (COC)’ ng mga tatakbo sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa National Capital Region (NCR).

Sa abiso ng Comelec, muling bubuksan ang COC filing sa Sabado (Setyembre 2) at magpapatuloy hanggang sa Lunes (Setyembre 4).

Ayon sa Comelec, alinsunod ang COC filing suspension sa utos ng Malacanang na suspendihin ang klase at trabaho sa mga pampublikong tanggapan sa NCR dahil sa nararanasang pag-ulan dulot ng Habagat at bagyo.

Gayunman, nagpatuloy naman ang COC filing sa lalawigan ng Abra nitong Biyernes (Setyembre 1) at magtatapos sa Lunes.

Sa Ilocos Norte, magtatapos ang COC filing sa Linggo (Setyembre 3).

Umarangkada ang paghahain ng COC para sa nasabing mga posisyon noong Lunes, Agosto 28, para sa nalalapit na BSKE sa Oktubre 30. Jocelyn Tabangcura-Domenden