Home NATIONWIDE PBBM sa publiko: Mga nagbebenta ng bigas higit sa price ceiling, isuplong

PBBM sa publiko: Mga nagbebenta ng bigas higit sa price ceiling, isuplong

446
0

MANILA, Philippines- Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes sa publiko na iulat sa mga awtoridad ang mga vendor at retailer na hindi tumatalima sa mandated price ceiling sa bigas.

“I would encourage anyone who finds that someone or retailer is selling at above the price ceiling, i-report po ninyo. I-report po ninyo sa pulis, i-report po ninyo sa DA (Department of Agriculture) doon sa lugar ninyo, i-report ninyo sa local government para matingnan po namin,” ani Marcos sa panayam sa Palawan.

Inaprubahan ng Pangulo ang pagtatakda ng price ceiling sa bigas sa buong bansa sa gitna ng pagsirit ng presyo nito sa mga lokal na pamilihan.

Ang mandated price ceiling para sa regular milled rice ay P41 kada kilo habang ang mandated price cap para sa well-milled rice ay P45 kada kilo, ayon sa Executive Order No. 39.

“The real problem is in NCR. it’s not so bad outside Manila, Metro Manila… that’s why maybe we will be focusing our efforts in Metro Manila,” giit ng Pangulo.

Inatasan naman ng chief executive ang Department of Agriculture at ang Department of Trade and Industry na tiyakin ang mahigpit na implementasyon ng price ceilings, kabilang ang monitoring at imbestigasyon ng abnormal price movements.

Ipinag-utos din sa Department of the Interior and Local Government, kabilang ang Philippine National Police, na asistihan ang DA at ang DTI sa pagpapatupad ng price ceilings. RNT/SA

Previous articleCOC filing muling sinuspinde
Next articleConfi funds ginagamit sa pagkalap ng impormasyon sa terror recruitment – DepEd spox

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here