MANILA, Philippines – Idineklarang panalo ni Bienvenido “Benny” Abante bilang kinatawan ng ika-6 na distrito ng Maynila ng COMELEC Second Division para sa Eleksyon 2025.
Inanunsyo ito matapos mapawalang-bisa ang certificate of candidacy ni Luis “Joey” Chua Uy, na itinuturing ng COMELEC na walang bisa mula sa simula kaya hindi siya kinandidato.
Dahil dito, ang mga boto para kay Uy ay tinuring na walang bisa.
Pinagtibay ng desisyon na si Abante ang tanging kwalipikadong kandidato na nakakuha ng pinakamaraming valid votes para sa posisyon. RNT