Home Uncategorized Alert level sa Israel at Iran, target itaas ng Pinas

Alert level sa Israel at Iran, target itaas ng Pinas

MANILA, Philippines – KINOKONSIDERA ng gobyerno ng Pilipinas na itaas ang alert levels sa Israel at Iran habang nagpapatuloy ang pag-atake sa pagitan ng dalawang bansa.

“We are considering the same, but in fact, we are already acting as if both countries were on Alert Level 3 or voluntary repatriation,” ang sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega sa isang panayam.

Tinitingnan din aniya ng gobyerno ang sitwasyon sa mga apektadong lugar at ang kaligtasan ng mga Filipino bago pa itaas ang alert levels.

Ang Israel ay kasalukuyang nasa Alert Level 2 o restriction, na ipinalalabas kung mayroong ‘real threats’ sa buhay, seguridad, at ari-arian ng mga Filipino na nagbuhat mula sa ‘internal disturbance, instability, o external threat.’

Samantala, ang Iran ay nasa ilalim ng Alert Level 1 o precautionary, na ipinalalabas kapag mayroong ‘valid signs’ ng ‘internal disturbance, instability, at/o external threat’ sa host country.

Noong Biyernes, ang Israel ay naglunsad ng mga hindi sinasadyang air strike sa maraming mga site sa buong Iran, kabilang ang mga pasilidad ng militar at nukleyar.

Ang hindi sinasadyang pag-atake ng Tel Aviv ay nagbunsod ng tunggalian, na nag-udyok sa Iran na magsagawa ng mga ganting pag-atake sa Israel.

Samantala, sa ulat, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga overseas Filipino worker (OFW) na nais nang makauwi ng Pilipinas sa gitna ng nararanasang kaguluhan sa pagitan ng Israel at Iran.

Ito ang ibinahagi ni De Vega na bagama’t may higit isang libong Pinoy sa Iran na tumangging makabalik sa Pilipinas, mayroon namang 14 OFW na naghayag ng agarang pag-uwi.

Ani De Vega, inaayos na ng Philippine Embassy in Iran ang magiging repatriation nito.

Inaasahan namang makauwi ngayong linggo ang 26 OFW mula Israel, gayundin ang 17 government official na na-stranded ay makakabalik na sa bansa sa weekend. Kris Jose