Home METRO ‘Basaan Zone’ sa San Juan itinatag para iwas gulo

‘Basaan Zone’ sa San Juan itinatag para iwas gulo

MANILA, Philippines – Naglaan ang Lungsod ng San Juan ng isang “basaan zone” mula Hunyo 24 para sa Wattah Wattah Festival upang maging mas maayos at ligtas ang selebrasyon matapos ang gulo noong nakaraang taon.

Sakop ng zone ang isang kilometro mula P. Guevarra Street hanggang N. Domingo Street sa Pinaglabanan Road.

Ani Mayor Francis Zamora, “Bawal ang anumang basaan sa labas ng basaan zone. Kung gusto niyong magdiwang, welcome kayo dito sa basaan zone.”

Magde-deploy ng 300 pulis para ipatupad ang mga patakaran tulad ng pagbabawal sa water bombs, high-pressure sprayers (maliban sa gamit ng mga bumbero), at pag-basa sa mga motorista nang hindi tama.

Ang lalabag ay papatawan ng P5,000 multa at hanggang 10 araw na kustodiya, at ang mga magulang ang mananagot kung menor de edad ang lalabag.

Ito ay matapos ang viral na insidente ni “Boy Dila” na nanira ng selebrasyon noong nakaraang taon, na ngayo’y nakakulong dahil sa umano’y paglabag sa Anti-Bastos Law. RNT