Home ENTERTAINMENT Coco at Julia, bumiyahe sa Spain!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Coco at Julia, bumiyahe sa Spain!June 4, 2024 16:09 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- On taping break muna si Coco Martin as he left for Spain nitong Lunes, June 3.Kasamang bumiyahe ng ABS-CBN Primetime King si Senator Lito Lapid, his wife Marissa and son.Likewise, nag-break din ang aktor-mambabatas sa Batang Quiapo.Kung si Marissa ang travel buddy ni Lito, ang kasama naman ni Coco sa trip ay ang rumored girlfriend niyang si Julia Montes.Bale sinamantala na rin ni Julia ang pagkakataong lumabas ng bansa.Julia is set to begin taping for her balik-teleserye project once back from the trip.Matagal na ring hindi visible si Julia sa TV.Kung matatandaan, she last appeared in FPJ’s Ang Probinsyano.As far as film projects are concerned, huling napanood si Julia sa Five Breakups and A Romance with Alden Richards.Ang latest movie ni Julia ay ang Pula.Meanwhile, ‘di na nakapagtataka kung tumulak patungong ibang bansa sina Lito at Coco na magkasama.Both have developed friendship noong ginagawa pa lang nila ang Ang Probinsyano.Hindi nga ba’t nabalita noon na si Lito ang kumukumbinsi kay Coco na tumakbong senador sa 2022 national elections?Para kay Lito, taglay ni Coco ang charisma o malakas na appeal sa tao.Maitatanong lang: ano ang “hidden agenda” (kung meron man) nina Coco at Lito kung bakit they were on the same trip to Spain?Hinihikayat bang muli ni Lito na ipursige na ni Coco ang pagtakbo sa Senado sa 2025 mid-term elections?“Foreboding” kayang masasabi na nasa isang eroplano nakasakay ang dalawang senatorial spouses? Ronnie Carrasco III