Home METRO Kelot pinagtataga ng kuya dahil sa sardinas

Kelot pinagtataga ng kuya dahil sa sardinas

CEBU CITY- KRITIKAL sa ospital ang isang kelot matapos pagtatagain ng nakatatandang kapatid makaraan pagdamutan ng una ang huli ng niluto nitong sardinas, noong Sabado sa lungsod na ito.

Nilatapan ng lunas sa ospital ang biktimang si Daniel Acuimo, 20, sanhi ng mga taga sa kaliwang mata at katawan habang nadakip naman ang suspek at kuya nitong si Joven Acuimo, 31, kapwa residente ng Sitio Tierra Dulce, Brgy. Inayawan, Cebu City.

Ayon kay Police Master Sgt. Alfredo Macabudbud, Jr., bandang 7:15 PM nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng magkapatid sa naturang lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, umuwing lasing ang suspek sa kanilang bahay at nakita nitong nagluto ng sardinas na hinaluan ng itlog ang biktima.

Nagutom ang suspek kaya humingi ito ng sardinas sa biktima subalit hindi siya binigyan.

Sa galit ng suspek, kumuha ito ng itak at pinagtataga ang biktima na tinamaan sa mata.

Inawat naman ng kanilang mga magulang ang suspek at dinala sa ospital ang biktima habang nadakip naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek.

Aminado naman ang mga magulang ng suspek na lulong ito sa bisyo.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Inayawan Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong attempted homicide. Mary Anne Sapico