Home ENTERTAINMENT Coco, tatapusin na ang BQ!

Coco, tatapusin na ang BQ!

350
0

Mamila, Philippines – Mukhang magtatapos na sa telebisyon ang numero unong primetime show na “FPJ Batang Quiapo”, huh!

Ito ay ayon sa nakausap naming isa sa mga staff ng Dreamscape.

Banggit pa nito sa amin na inaayos na raw ni Coco Martin ang schedules niya at kasama na rito ang mga nalalabing mga eksena ng “Batang Quiapo”.

Kahit mataas ang viewership ay maaring mamaalam na raw sa ere ang pangunahing Primetime Show ng Dos, huh!

Ang nakikitang dahilan ng kausap namin ay ang negosasyon daw ni Coco sa TV5 .

Ayon pa sa source ay nakipag-meeting daw si Coco sa TV5/MediaQuest Chairman Manny Pangilinan para sa sinasabing partnership na hindi lang sa telebisyon kundi para sa isang malaking pelikula, huh!

Mula nang maghiwalay sila ng kanyang manager na si Biboy Arboleda, derekta nang nakikipag-usap si Coco para sa mga proyekto niya sa telebisyon at pelikula.

Pero from same source ay binanggit nito sa amin na tinutulungan naman daw si Coco ng talent manager na si Ms. Shirly Kuan sa mga transaksiyon nito, huh!

Pero hindi malinaw sa source namin kung si Shirley na ang ipinalit ni Coco sa dating manager niyang si Biboy.

Kumbaga, si Shirley na nga ba namamahala ngayon sa showbiz career ni Coco?

Ipinaliwanag namian ito sa amin ng matagal nang manager for endorsements ni Coco na si Shirley.

At kahit na noong nasa poder pa ni Biboy si Coco ay may Shirley Kuan na rin na tumutulong sa kanya, huh!

May pahintulot ni Biboy ang lahat dahil siya ang nakipagkasundo kay Shirley para ito ang mamahala sa brand endorsements ni Coco.

Si Shirley ang manager nina Albert Martinez, Bea Alonzo, Andrea Brillantes and now, Coco Martin na rin kaya? Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here