MANILA, Philippines – Mas kakaunti na ngayon ang nagtutungo sa Manila North Cemetery (MNC) dahil ang pagbuhos ng mga bumibisita sa mga puntod ay nitong Nobyembre 1.
Sa tala ng Manila Police District (MPD), nasa 69,437 lamang ang bumisita sa MNC as of 10 am.
Mayroon namang kabuuang 10,420 bumisita sa Manila South Cemetery habang 125 lamang sa Paco Park ang crowd estimate.
Ayon sa MPD, kadalasan talaga ay mas kakaunti ang mga nagtutungo sa mga sementeryo tuwing Nobyembre 2.
Ang mga ito ay mga ayaw makisabay sa pagbuhos o pagdagsa ng mga tao na pumapasok sa sementeryo tuwing Undas.
Nanatili namang bantay sarado ng mga kapulisan ang buong sementeryo para sa kaayusan at kaligtasan ng publiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden