Home TOP STORIES Col. Mikee Romero, buena-mano sa Aviation Insignia ng Philippine Army; aprubado ni...

Col. Mikee Romero, buena-mano sa Aviation Insignia ng Philippine Army; aprubado ni PBBM

79
0
Dating House Deputy Speaker Col. Mikee Romero kasama si Philippine Army Aviation Regiment commander Col. Richard Severito.

MANILA, Philippines – Isang makasaysayang hakbang ang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (PBBM) matapos bigyang basbas ang opisyal na insignia wings ng Philippine Army Aviation Regiment — isang bagong simbolo ng husay, dangal, at pagkakakilanlan ng mga Army aviators.

Ang disenyo ng naturang insignia ay pormal ding inaprubahan ng National Historical Commission of the Philippines, na nagpapatibay sa kahalagahang historikal at kultural nito.

Sa kauna-unahang pagkakataon, iginawad ang Army Aviation Service Insignia (Honorary) kay dating House Deputy Speaker at reservist na si Colonel Michael “Mikee” Romero, isang CAAP-rated helicopter pilot — na siya ring kauna-unahang sibilyan na tumanggap ng naturang parangal mula sa Philippine Army.

Ang paggawad ay pormal na inaprubahan ni LTGen Antonio Nafarrete, Commanding General ng Philippine Army, at personal na ipinagkaloob ni Colonel Richard Servito, Commander ng Philippine Army Aviation Regiment.

Nakamit ni Col. Romero ang parangal dahil sa kanyang malaking ambag noong ito ay mambabatas, lalo na sa matibay niyang suporta sa AFP Modernization Program, kabilang ang pagsusulong sa pagbili ng C-130 Hercules aircraft na nagpalakas sa kakayahan ng bansa sa airlift, disaster response, at humanitarian missions.

Bilang mayoryang may-ari ng AirAsia Philippines mula 2010 hanggang 2023, naging mahalaga rin ang kanyang papel noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic (2020–2022) kung saan naglaan siya ng libreng eroplano para sa transportasyon ng mga sundalo, bakuna, test kits, at mga gamot sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa parangal na ito, tuluyan nang maitatala si Col. Romero sa kasaysayan ng Philippine Army — hindi lamang bilang lider at lingkod-bayan, kundi bilang tulay sa pagitan ng civilian aviation at pambansang depensa, na mag-iiwan ng inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga Pilipinong piloto at reservists. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here