Home NATIONWIDE Collection goal ng BIR sa buwan ng Abril, nahigitan ng 11.6%

Collection goal ng BIR sa buwan ng Abril, nahigitan ng 11.6%

MANILA, Philippines – Sinabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Miyerkules, Mayo 31 na nalampasan na ng ahensya ang collection target nito para sa buwan ng Abril.

Sa news release, sinabi ng BIR na nakakolekta sila ng P336.020 billion sa nasabing buwan o 11.67% na mas mataas o P35.114 bilyon sa collection goal nito na P300.9 bilyon.

Batay sa year-on-year basis, lumago rin ng 40.24% ang koleksyon sa buwan ng Abril o P96.416 bilyon kumpara sa P239.6 billion a nakolekta sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

“These figures are based on the Final Collection Report of the BIR as of May 12, 2023,” anang ahensya.

Sa year-to-date collection naman, umabot sa P841.179 bilyon o mas mataas ng 13.31% o
P98.809 bilyon ang nakolektang buwis kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa unang apat na buwan ngayong 2023 ay nalampasan na agad ng BIR ang collection goal nito ng 1.73% o P14.319 bilyon.

“The remarkable collection performance of the bureau, especially for the month of April 2023, is an indication that many Filipinos heeded the call of Commissioner (Romeo) Lumagui to file their 2022 Annual Income Tax returns on time and to pay the correct taxes to raise the much-needed revenues to support the government’s various development projects.”

Nakatakda sa P2.599 trilyon ang collection target ng BIR, mas mataas sa aktwal na koleksyon ng 10.95% o P256.444 bilyon noong 2022. RNT/JGC