MANILA, Philippines – Nakapagtala ang
Department of Health (DOH) ng 1,279 bagong kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Mayo 31.
Dahil dito ay umakyat na sa 4,142,814 ang kabuuang kaso ng sakit sa bansa.
Ayon sa DOH, tumaas din sa 4,061,510 ang recovery tally habang ang death toll ay nanatili sa 66,466.
Nananatiling ang National Capital Region sa ay may pinakamataas na bagong kaso ng sakit sa nakalipas na dalawang linggo sa 7,686 kaso, sinundan ng Calabarzon sa 5,053, Central Luzon sa 2,376, Western Visayas sa 1,652 at Bicol Region sa 889.
Nasa 22.2% ang bed occupancy ng COVID-19 sa bansa sa 5,694 na okupado at 19,828 na bakanteng kama. RNT/JGC