Tinapos na ni Manny Pacquiao ang mga espekulasyon nang opisyal niyang inanunsyo ang kanyang comeback fight laban kay WBC world welterweight champion Mario Barrios noong Hulyo 19 sa MGM Grand sa Las Vegas.
“I’m back. On July 19, I return to the ring to face WBC Welterweight Champion Mario Barrios at the MGM Grand in Las Vegas. Let’s make history!” ani Pacquiao sa kanyang Facebook page.
Ang 46-anyos na si Pacquiao ay hindi pa lumaban sa propesyonal na boksing mula nang makaranas siya ng unanimous decision loss laban kay Yordenis Ugas noong 2021.
Si Pacquiao, 62-8-2 na may 39 knockouts, ay dumating sa USA noong unang bahagi ng linggo upang magsanay kasama si Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Los Angeles.
Ang nag-iisang eight-division champion ng boxing, si Pacquiao, ay nakatakdang iluklok sa prestihiyosong Hall of Fame sa susunod na buwan.