Home NATIONWIDE Comelec: 100M botante inaasahan sa BSKE

Comelec: 100M botante inaasahan sa BSKE

261
0

MANILA, Philippines – INAASAHAN ng Commission on Elections (Comelec) na aabot sa 100 milyong botante ang lalahok sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na ipinagpaliban sa Nobyembre sa susunod na taon.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Comelec Chairman Erwin George Garcia na mayroon nang 68,921,863 rehistradong botante sa Pilipinas.

“Our projection maybe we will reach, for the Barangay and SK, we have 24 million Sangguniang Kabataan, maybe we will reach 100 million voters in the upcoming elections,” ani Garcia.

Ayon kay Garcia, gagawin mano-mano ang pagbibilang sa darating na halalan, na nangangahulugang maaring mas mahaba at mas matagal ang proseso kumpara sa automated elections, dahil bibilangan ng mga guro ang balota.

Gayunman, sinabi niya na magkakaroon ng across-the-board increase sa honoraria ng mga guro na maglilingkod sa BSKE. Inaprubahan na ng House of Representatives ang karagdagang P7.46 bilyong budget para sa Comelec sa pagsasagawa ng halalan.

Ayon pa kay Garcia, nasa 3 milyong indibidwal na ang nagparehistro para sa BSKE elections.

Ang pagpaparehistro para sa BSKE ay kasalukuyang sinuspinde hanggang Nobyembre 2 bilang paggunita sa All Saints’ at All Souls’ Days, ngunit magpapatuloy muli mula Nobyembre 3 hanggang Mayo 18 sa susunod na taon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here