Home NATIONWIDE Halos 900K pasahero dumagsa na sa mga pantalan – PPA

Halos 900K pasahero dumagsa na sa mga pantalan – PPA

238
0

MANILA, Philippines – PATULOY ang pagdagsa ng mga pasahero na umuuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong Undas 2025.

Ayon sa tala ng Philippine Ports Authority (PPA), umabot na sa kabuuang 874,136 ang bilang ng mga pasaherong dumagsa sa iba’t ibang pantalan sa bansa.

Sinabi ng PPA na ang bilang na ito ay mula Oktubre 27 hanggang Oktubre 31, isang araw bago o sa disperas ng Undas.

Kaugnay nito, ipinaalala ng PPA na maaaring tawagan ng publiko ang mga numero ng 25 Port Management Offices (PMOs) sa buong Pilipinas upang makaiwas sa anumang aberya sa biyahe.

Asahan na tataas pa ang bilang ng mga pasaherong dadagsa sa mga pantalan sa ilalim ng PPA ngayong araw. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here