Home METRO Bulkang Kanlaon nagbuga ng abo — PHIVOLCS

Bulkang Kanlaon nagbuga ng abo — PHIVOLCS

281
0

MANILA, Philippines – Nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island mula 6:30 a.m. hanggang 6:37 a.m. ngayong Biyernes, ayon sa PHIVOLCS.

Umabot ang abo hanggang 250 metro sa ibabaw ng crater at lumipad patimog-kanluran, batay sa time-lapse footage mula sa Kanlaon Volcano Observatory.

Nananatili sa Alert Level 2 ang bulkan, na nangangahulugang may pagtaas ng aktibidad.

Ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-km Permanent Danger Zone at paglipad ng mga eroplano malapit sa bulkan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here