Home NATIONWIDE Comelec: Huling batch ng ACMs handa nang ihatid sa Pinas

Comelec: Huling batch ng ACMs handa nang ihatid sa Pinas

MANILA, Philippines- Naghihintay ng shipment mula Busan ,South Korea sa Pilipinas ang huling batch ng automated counting machines (ACMs), sinabi ng Commission on Elections (Comelec).

Iniulat ng poll body na ang mga ACM ay nasa Busan New Port Complex kung saan nasaksihan ng ilan sa mga opisyal nito ang pag-iimbak, paghawak, at tuluyang containerization ng huling batch.

Sinabi nito na ang natitirang batch ng ACM kits ay forklifted at inimbak sa dalawang secure na intermediate shipping container na may kabuuang mahigit 1,000 kahon ng ACM kits sa CJ BND Logistics Center sa Busan New Port Complex sa South Korea noong Huwebes.

Binubuo ng ACM, hard case, at mga power cord at adapter ang bawat kit.

Ang cargo ship na magdadala ng huling batch ng ACM kits, ayon sa mga tuntunin ng kontrata para sa Full Automation System with Transparency Audit and Count (FASTrAC) project, ay nakatakdang dumating sa container terminal sa Nobyembre 3. 

Target ang shipment ng dalawang cargo container sa Nobyembre 4 at ang delivery sa Comelec warehouse sa Biñan, Laguna ay inaasahan sa susunod na buwan.

Noong Oktubre 30, sinabi ng Comelec na ang Miru Systems Joint Venture, ang service provider ng P17-bilyong proyekto ay natapos na ang produksyon ng 110,620 machine at peripheral sa Miru Plant sa nasabing bansa.

 Ang kompanya sa South Korea ay gumawa ng mga ACM na gagamitin para i-automate ang Mayo 12, 2025 midterm at Bangsamoro parliamentary elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden