Home NATIONWIDE Comelec humirit kay PBBM ng agarang pagtalaga sa 2 bagong commissioner

Comelec humirit kay PBBM ng agarang pagtalaga sa 2 bagong commissioner

MANILA, philippines – Umapela ang Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerules kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad magtalaga ng kapalit ng dalawang komisyuner na nakatakdang magretiro sa susunod na buwan.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na sina Commissioners Socorro Inting at Marlon Casquejo ay magreretiro sa Pebrero matapos makumpleto ang kani-kanilang pitong taon na termino.

Binanggit ni Garcia ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kumpletong seven-man Commission en banc sa paghawak ng mga kaso sa halalan.

Sa pagreretiro nina Inting at Casquejo, ang Comelec ay binubuo na lamang nina Garcia at Commissioners Rey Bulay,Aimee Ferolino, Ernesto Maceda at Nelson Celis.

Sinabi ni Garcia na hindi mangangailangan ng anumang exemption mula sa Comelec ang Presidente para mag-appoint dahil mayroon itong nagpapatuloy na otoridad

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ito ay itinuturing na isang ipinagbabawal na gawain para sa anumang public official na gumawa o nagdudulot ng anumang pglilipat o detalye ng anumang opisyal o empleyado sa civil service kabilang ang mga guro sa pampublikong paaralan sa loob ng election period maliban sa naunang pag-apruba ng Komisyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)