Home NATIONWIDE Conviction rate ng DOJ umakyat na sa 78%

Conviction rate ng DOJ umakyat na sa 78%

MANILA, Philippines – Ipinagmalaki ng Department of Justice ang makabuluhang pagtaas ng conviction rate sa ilalim ng Marcos Jr. administration bunsod ng mga ipinatupad na reporma sa pagsasagawa ng preliminary investigations at pag-uusig sa mga krimen.

Iniulat ni Justice Undersecretary Raul Vasquez na bago pumasok ang kasalukuyang administrasyon ay nasa 26% ang conviction rate.

Sa ngayon, aniya, ay nasa 78% na ang conviction rate na sa buong bansa dahil sa mga ipinatupad na case buildup at mas mataas na antas ng patunay o ebidensya kung kaya napagbuti ang pamamalakad sa pagsugpo ng kriminalidad.

Binigyan-diin ni Vasquez na ang pagsisikap ng DOJ na ayusin ang pamamaraan sa case buildup upang masiguro na tanging ang kalidad at mga kasong may malakas na ebidensya ang isinasampa sa korte.

Iginiit ni Vasquez na nananatili ang pananaw ng DOJ na mangibabaw ang rule of law sa lahat at ang pantay at parehas na pagsugpo ng kriminalidad at ang pagpapataw ng mga batas sa nagkasala kahit ano pa man ang estado sa buhay. Teresa Tavares