Home NATIONWIDE Comelec kumpiyansa sa mapayapang Eleksyon 2025

Comelec kumpiyansa sa mapayapang Eleksyon 2025

MANILA, Philippines- Kumpiyansa ang Commission on Elections na magiging maayos at payapa ang May 12 elections.

Umaasa rin si Comelec Chairman George Garcia na mabilis makakatapos ngayong botohan dahil mabilis na naset-up ang sistema para masiguro na mabilis din ang proklamasyon.

Umapela si Garcia sa publiko na maniwala lamang sa sistema at proseso ng eleksyon at huwag sa fake news.

Pinaalalahanan din ang mga national at local candidates para sa May 12 elections na alisin ang malalaki nilang campaign materials sa mga highway dahil ito ay ipinagbabawal na simula alas-12:01 ng umaga bukas, May 11.

Sinabi ni Garcia na nagsampa ng mahigit 50 reklamo ang Task Force Baklas laban sa mga kandidatong hindi nakinig sa paalala na tanggalin ang kanilang mga ilegal na campaign materials.

Dagdag pa ng Comelec chairman, patuloy na magsasampa ng kaso ang task force laban sa mga lumalabag sa no-campaign rule. Jocelyn Tabangcura-Domenden