Home NATIONWIDE Vatican heads pansamantalang kinumpirma ni Pope Leo sa kasalukuyang tungkulin

Vatican heads pansamantalang kinumpirma ni Pope Leo sa kasalukuyang tungkulin

0
Vatican heads pansamantalang kinumpirma ni Pope Leo sa kasalukuyang tungkulin

VATICAN CITY- Kinumpirma ni Pope Leo ang lahat ng top Vatican officials sa mga kasalukuyan nilang papel sa temporary basis, binibigyan siya ng oras na magdesisyon bago magkasa ng definitive appointments, ayon sa Vatican nitong Biyernes.

Lahat ng Vatican senior officials, itinalaga para sa five-year terms, ay nagsisilbi sa kagustuhan ng papa. Karaniwang pinananatili ng bagong pontiff ang umiiral na mga mandato, bago magdesisyon kung babaguhin ang key positions.

Iniulat naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) News na pinanatili ng bagong papa si Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect ng Dicastery for Evangelization, at iba pang mga pinuno ng dicasteries sa kanilang mga posisyon “provisionally.”

“The Holy Father wishes, in fact, to reserve a certain amount of time for reflection, prayer and dialogue, before any definitive nomination or confirmation,” base sa Holy See Press Office. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here